Monday, December 21, 2009

Ilog Pasig

Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa PilipinasLaguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang pangunahing mga sanga nito. na dumadaloy mula sa

Dating isang mahalagang ruta pang-transportasyon sa Kastilang Maynila. Gayon man, hinggil sa kapabayaan ng pagsulong industriyal, naging puno ng polusyon ang ilog at tinuturing na patay (hindi na nananatili ang buhay) ng mga ekolohista.

Itinatag ang Komisyong Rehabilitasyon ng Ilog Pasig (Ingles: Pasig River Rehabilitation Commission/PRRC) upang pangasiwaan ang rehabilitasyon ng ilog. Tinutulungan ng mga pribadong sektor ang PRRC katulad Clean and Green Foundation, Inc. na isinakatuparan ang kampanyang "Piso para sa Pasig".

Nasa likod din ng Palasyo ng Malakanyang ang Ilog Pasig.

No comments:

Post a Comment